Katanungan
bilang ng rehiyon sa pilipinas?
Sagot
Tinatayang may labimpitong (17) rehiyon sa buong bansang Pilipinas. Ang mga rehiyon na ito ay nahahati sa 82 na mga lalawigan.
Ang mga rehiyon na binubuo ang Luzon ay ang mga sumusunod: rehiyon 1 ay tinatawag na Ilocos, rehiyon 2 ang lambak ng Cagayan, rehiyon 3 ang Gitnang Luzon, ang NCR—kung nasaan ang Maynila, ang CAR o Cordillera Administrative Region, rehiyon 4A ang CALABARZON, rehiyon 4B ang MIMAROPA, at rehiyon 5 ang Bicol.
Sa Visayas naman ang mga rehiyon tulad ng rehiyon 6 – Kanlurang Kabisayaan, rehiyon 7 -Gitnang Kabisayaan, at rehiyon 8 – Silangang Kabisayaan.
Ang Mindanao naman ay nagsisimula sa rehiyon 9 – Tangway ng Zamboanga, rehiyon 10 – Hilagang Mindanao, rehiyon 11 – Davao, rehiyon 12 – SOCKSARGEN, rehiyon 13 – CARAGA, at ang BARMM.