Katanungan
bukod sa espanya anong bansa ang nanguna sa paggalugad?
Sagot
Bukod sa Espanya, ang Portugal ang bansa na nanguna sa paggalugad. Maliban sa Espanya, nanguna rin ang Portugal sa pagtuklas at paglalayag sa iba’t ibang lupain na kung saan naging mahigpit na magkalaban ang dalawang bansang ito.
Dahil sa alitan, pumagitna ang Papa ng mga Katoliko upang sa gayon ay maiwasan ang labanan at matapos ang paligsahan.
Upang bigyang kasagutan ang suliraning ito, itinatag ang isang kasunduan na kung saan nakapaloob dito na paghahatian ng Espanya at Portugal ang mga lupain sa buong mundo na matatagpuan sa labas ng Europa. Ang kasunduang ito ay tinawag nila bilang Kasunduang Tordesillas na nabuo nong 1494.