Katanungan
bukod sa paningin ano pa ang gamit ng ating mga mata?
Sagot
Bukod sa paningin ang gamit ng ating mga mata ay ang madama ang kadiliman at liwanag sa ating paligid.
Ang mata ay isa sa mahahalagang organo ng tao na nakatutulong upang masilayan nito ang iba’t ibang mga bagay na maaaring makita o masilayan sa mundo.
Ito ay nararapat na alagaan ng bawat indibidwal upang mapangalagaan ang linaw at kalusugan ng ating paningin.
Ang mata ay nararapat na hindi nailalantad sa matinding sikat ng araw sapagkat ang ultraviolet rays na nagmumula riot ay nakapipinsala sa organong ito na nakapagdudulot ng iba’t ibang komplikasyon sa mata gaya na lamang ng katarata na nagiging sanhi upang masira ang paningin ng tao.