Katanungan
Bumuo ng maikling katha, kanta, tula, o sanaysay na naglalarawan sa kahulugan at konsepto ng ekonomiks
Sagot 
Ekonomiks, Buhay ng Tao
Ang Ekonomiks, buhay ng tao
ang pag-unlad nakasalalay sa ‘yo.
Ang kabuhayan ng mundo,
ang paglikha ng maraming mga trabaho.
Ang Ekonomiks, buhay ng tao
ang paggasta ng yaman obligasyon mo.
Dapat ay wastong gamitin mga biyaya,
nang sa darating na bukas ay di nakatunganga.
Ang Ekonomiks, buhay ng tao
bawat kilos ay nakatuon sa iyo.
ikaw na ang nagpapaikot nitong mundo,
nakasalalay sa iyo ang bukas ko.
Ang Ekonomiks, buhay ng tao,
kaya dapat na tayong matuto.
Pera, hapabuhay, at iba pang mga konsepto,
ang ekonomiya ng bansa paunlarin mo!