Magandang Araw! Ito ang main page ng El Filibusterismo (Buod) o The Reign Of Greed, ay ang pangalawang nobela ni Dr. Jose Rizal. Mapapansin na mas seryoso at kontrobersyal ang mga paksa na tinatalakay nito. Sana ay magustuhan ninyo ang mga buod ng bawat kabanata na hatid ng Panitikan.com.ph 🙂
Buod (Buong Kwento)
El Filibusterismo Maikling Buod (300 words)
El Filibusterismo Buod (600 words)
El Filibusterismo Mahabang Buod (1,000 words)
Kabanata 1 – 39 (with Talasalitaan and Aral)
Kabanata 1: Sa Ibabaw Ng Kubyerta
Kabanata 2: Sa Ilalim Ng Kubyerta
Kabanata 3: Alamat
Kabanata 4: Kabesang Tales
Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Kabanata 6: Si Basilio
Kabanata 7: Si Simoun
Kabanata 8: Maligayang Pasko
Kabanata 9: Ang Mga Pilato
Kabanata 10: Kayamanan At Karalitaan
Kabanata 11: Los Banos
Kabanata 12: Placido Penitente
Kabanata 13: Ang Klase Sa Pisika
Kabanata 14: Sa Bahay Ng Mga Mag-aaral
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta
Kabanata 16: Ang Kasawian Ng Isang Intsik
Kabanata 17: Ang Perya Sa Quiapo
Kabanata 18: Ang Mga Kadayaan
Kabanata 19: Ang Mitsa
Kabanata 20: Si Don Custodio
Kabanata 21: Mga Anyo Ng Taga-Maynila
Kabanata 22: Ang Palabas
Kabanata 23: Isang Bangkay
Kabanata 24: Mga Pangarap
Kabanata 25: Tawanan At Iyakan
Kabanata 26: Mga Paskin
Kabanata 27: Ang Prayle At Ang Estudyante
Kabanata 28: Pagkatakot
Kabanata 29: Ang Huling Pati-Ukol Kay Kapitan Tiyago
Kabanata 30: Si Huli / Si Juli
Kabanata 31: Ang Mataas Na Kawani
Kabanata 32: Ang Bunga Ng Mga Paskil
Kabanata 33: Ang Huling Matuwid
Kabanata 34: Ang Kasal Ni Paulita
Kabanata 35: Ang Piging
Kabanata 36: Mga Kapighatian Ni Ben Zayb
Kabanata 37: Ang Hiwagaan
Kabanata 38: Kasawiang Palad
Kabanata 39: Ang Katapusan
Mga Tauhan (with Katangian)
Tauhan at Katangian (complete list) – A to Z na listahan ng mga tauhan sa El Filibusterismo, may kasama din katangian at impormasyon kung ano ang kanilang ginampanang papel sa istorya – Visit page.
Kasaysayan
Kaligirang Pangkasaysayan Ng El Filibusterismo – ang nobelang mahigit isang-daang taon na mula noong isinulat ni Jose Rizal, bakit nga ba hanggang ngayon ay tinatangkilik padin ito? Samahan ninyo kaming alamin kung bakit! – Visit page.
Quotes
“Ang boses ng isa ay boses ng lahat.”
“Hindi kami magpapaapi sa mga dayuhan na bumibisita lamang sa aming inang bayan.”
“Lakas ng loob at tiwala sa sarili lamang ang aking kailangan!” -Basilio
“Tama lang na ipakita natin sa mga tao ang kasakiman na ginagawa nila sa atin.”
“Kapag sama-sama tayo, lahat kaya natin gawin. Walang sino man ang makakapigil sa atin.”
NOBELA: El Filibusterismo Buod 2021
Ang Dating Magkakasama at ang Bapor Tabo
Sa isang liku-liko na lugar sa Pasig at ilog nito, mayroong isang Bapor Tabo na iniikot ang lugar. Ang mga nakasakay sa bapor ay si Simoun, Isagani, Basilio, Ben Zayb, Don Custodio, Kapitan Heneral, Donya Victorina, Padre Salvi, Padre Irene, at Donya Victorina.
Kabilang si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala siya bilang prominenteng alahero o gumagawa ng mga alahas. Nang makababa rin si Basilio, unang pinuntahan niya ang puntod sa Sand Diego ng kaniyang namatay na ina, si Sisa. Nakilala rin ni Basilio si Simoun bilang si Juan Crisostomo Ibarra.
Pilit na Pagtatakip ni Simoun Mula Kay Basilio
Nang makilala ni Basilio si Simoun, tinangkang patayin ni Simoun si Basilio upang hindi mabunyag ang kaniyang sikreto, ngunit pinigilan ito ni Basilio dahil parehas lamang ang kanilang kahihinatnan at nais ni Simoun na parehas ang kanilang obhetibo na maghiganti laban sa gobyerno ng mga Kastila.
Pagtanggi ni Basilio
Tinanggihan ni Basilio ang mga suhestiyon ni Simoun hinggil sa kaniyang plano, ang nais lamang ni Basilio ay kausapin ang Heneral upang makapag patayo ng isang akademiya na kung saan gagamitin ang wikang Kastila, ngunit sa kasamang palad ay hindi pa rin ito sinuportahan ng mga pari sa pamahalaan.
Ipinaalam din agad ni Basilio sa kaniyang mga kamag aral ang naging desisyon ng pamahalaan kaya naghanda sila sa isang patimpalak upang maipanawagan ang kanilang mga hinaing hinggil sa edukasyon at nais na pagkapantay-pantay sa mga Pilipino.
Si Kabesang Tales
Si Kabesang Tales ay anak ni Tandang Selo, isa siyang magsasaka na gumaan at rumangya ang buhay at ang kaniyang anak ay si Juli na kasintahan ni Basilio. Nais niya rin pag aralin si Juli upang makapantay ng anak niya ang kaniyang kasintahan. Ngunit, tinaasan sila ng buwis ng gobyerno hanggang siya hindi nakapag bayad at inaresto.
Natalo rin sa kaso si Kabesang Tales kaya siya ay ikinulong ng mga gwardya dahil siay ay natagpuang may kutsilyo at may pera.
Ang Planong Pulutong
Niyaya muli ni Simoun si Basilio na maghimagsik laban sa gobyerno, at plano niya rin mag taguyod ng isang pulutong upang bawiin muli niya ang dalaga na si Maria Clara sa kumbentong kaniyang pinagsisilbihan. Ngunit, sa kasamaang palad, namatay din si Maria Clara dahil sa kaniyang sakit.
Pag Aakalang Paghihimagsik
Nagkaroon ng pagpupulong ang mag mag aaral na kung saan nagkaroon ng debate ang bawat isa dahil mabigat pa rin ang kanilang pakiramdam nila hinggil sa hindi pagtutupad ng suporta para sa isang akademiyang magtuturo ng wikang Kastila.
Sila ay nagtalumpati sa isang Panciteria na pagmamay ari ng isang Intsik. Doon nila inilabas ang kanilang sama ng loob at nagbangayan. Nalaman ito ng pari at kinabukasan ay mayroong mga naka paskil sa mga pader ng eskwelahan kaya naman pinagbintangan ang mga mag aaral, kasama na rito si Basilio. Labis na nalungkot ang kaniyang kasintahan na si Huli noong siya ay inakusahan ng mga pari.
Maka-Diyos na Posisyon, Maka-Demonyong Aksyon
Pinilit ni Hermana Bali na kausapin ni Huli si Padre Camorra na palayain niya si Basilio, napalaya ng mga ibang pamilya ang mga mag-aaral maliban kay Basilio. Pinilit kausapin ni Huli ang pari at hinalay naman ni Padre Camorra si Huli, ang dahilan ng pagpapakamatay at pagtalon sa bintana ng dalaga.
Ang Pagpapatuloy ng Naudlot na Paghihimagsik
Pinagpapatuloy pa rin ni Simoun ang kaniyang plano na maghimagsik laban sa gobyerno, kaya ang ginawa niya muna ay makiisa at umanib sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Iginiit din ni Simoun na ipakakasal niya si Paulita kay Juanito.
Upang magkaroon ng koneksyon, kaka-onting kapangyarihan, at hindi mahalata ay nakipag alyansa siya kay Don Timoteo Pelaez.
Ang Piging at Pagpapalaya kay Basilio
Nakalaya na si Basilio matapos ang dalawang buwan sa tulong ni Simoun, kaya naman nakiisa na rin si Basilio sa paghihimagsik na plano ni Simoun laban sa pamahalaan ng mga Kastila.
Inanyayahan ni Simoun ang mga matatas na opsiyales at may pwesto sa pamahaalang Kastila, sinamantala niya ang okasyon upang maisagawa ang paghihimagsik at siya ay nag bigay na regalo na isang magarbong lampara.
Ang Tunay na Obhetibo sa Lampara
Hindi alam ng lahat na pampasabog ang lampara na bitbit ni Simouns. Bukod kay Isagani at Basilio, lingid sa kaalaman nila ang plano ni Simoun na pasabugin ang lampara sa piging upang maghiganti sa kanila ang binata.
Hindi mapakali si Basilio sa labas kaya naman aligaga siya. Dumating naman bigla si Isagani, at sinabihan siya ni Basilio na huwag pumasok sa loob. Lumabas na rin si Simoun matapos ibigay ang lampara sa mga opisyales ng gobyerno.
Pagtutol ni Isagani
Habang umiilaw na ang lampara at pinatataas ang mitsa ng Kapitan Heneral kay Padre Irene, bigla na lamang itong inagaw ni Isagani at binato sa ilog upang hindi na ito sumabog pa. Nalaman ng lahat na ito pala ay pampasabog kaya dali-daling tumakbo si Simoun at tumakas papunta kay Padre Florentino.
Pag Amin kay Padre Florentino
Dahil hindi natapos ang kaniyang plano, pagtapos ng pag takas ni Simoun, kinwento lahat ni Simoun ang kaniyang buhay at nagtapat kay Padre Florentino hinggil sa kaniyang plano para maghimagsik laban sa gobyerno. Matapos niyang ikwento ang lahat ng nangyari ay umiinom na siya ng lason upang hindi na siya mahuli at pahirapan ng mga gwardya, at doon na rin pumanaw ang binata matapos ito inumin.
Kasawian ng mga Inosente at Nananahimik
Matapos ang insidente ay maraming pinaghinalaan na Pilipino na tulisan kaya naman kaliwa’t kanan ang pag aaresto at iligal na pag huli sa kanila. Kahit inosente o sibilyan ay nadamay sa nangyari. Matapos nito ay pinaulanan sila ng mga gwardyang Kastila dahil ang tingin nila ay pare-parehas lamang ang mga Pilipino.
Paalam
Noong namatay si Simoun, pumunta si Padre Florentino sa bato na laging inuupuan ni Isagani at doon itinapon sa ilog ang mga kayamanan ni Simoun. Dinasalan din ni Don Tiburcio si Simoun upang mamayapa ang kaniyang kaluluwa. Nakita ng iilang pari ang pighati na pinagdaanan ni Simoun simula noong siya ay bata kaya naunawaan nila ang galit at nais na paghihimagsik nito.