Katanungan
Case study tungkol sa suliraning pangkapaligiran
Sagot 
Paglaganap ng Paggamit ng Plastic sa Pilipinas
Kamakailan, ayon sa pag-aaral na ginawa ng World Wide Fund for Nature (WWF), isa ang Pilipinas sa tatlong mga bansa na malaki ang ambag sa kalat ng mundo pagdating sa paggamit ng plastic.
Ayon pa sa mga pag-aaral, nasa 74 percent daw ng mga plastic sa Pilipinas ay napupunta lamang sa mga karagatan at iba pang anyong tubig sa bansa.
Dahil dito, inalam naming kung bakit nga malaki ang pagkonsumo ng mga Pilipino sa mga basurang plastic.
Ayon sa isang pag-aaral, ang Pilipinas daw kasi ay kilala sa sachet economy o maraming ibinebentang tingi na nasa mga sachet o plastic na pekete. Ang malungkot, hindi raw itinatapon nang maayos ang mga basurang ito at diresto lamang sa dagat.