Command Economy (paglalarawan)?

Katanungan

command economy paglalarawan?

Sagot verified answer sagot

Ang command economy ay sistema ng ekonomiya na sumsunod at kumikilala sa pamamalakad ng pamahalaan o gobyerno na kung saan ang pangunahing layunin nito ay maisulong o mapalago ang lagay ng ekonomiya ng bansa.

Ang pangangasiwa ng mga plano o takbuhin ng command economy ay nasa ilalim ng sentralisadong ahensiya o sa ingles ay central palnning agencies partikular na ng gobyerno.

Sa command economy natutukoy ang kita sa loob ng lipunan sapagkat naitatakda ng pamahalaan ang kaukulang pasahod sa mga manggagawa.

Sinasabing ang ganitong uri ng sistema ay nakilala sa panahon ng Soviet Union subalit ang mga bansang Cuba at North Korea ay ipinatutupad pa rin ito.