Compass Rose ng pangunahin at pangalawang direksyon?

Katanungan

compass rose ng pangunahin at pangalawang direksyon?

Sagot verified answer sagot

Ang compass rose ay isang pigurang madalas gamitin sa pag-alam sa kinaroroonan o lokasyon ng lugar na nais patunguhan sa tulong na rin ng cardinal gayundin ng puntos na panloob.

Ito rin ay tumutukoy sa mga pangunahin at pangalawang direksyon. Kabilang sa mga pangunahing direksyon ang silangan, kanluran, hilaga, at timog.

Samantala, ang hilagang-silangan, timog-silangan, timog-kanluran, at hilagang-kanluran naman ay kabilang sa mga direksyong pangalawa na matatagpuan sa pagitan o gitna ng dalawang pangunahing direksyon.

Mahalaga ang pagkatuto sa paggamit ng compass rose dahil malaki ang naitutulong nito upang marating ang iba’t ibang lokasyon ng mga lugar na nais patunguhan sa isang paglalakbay.