Amado A. Vinuya

Talambuhay

Karaniwang ang isang matagumpay na tao ay nakatuon lamang ang panahon at atensiyon sa isang bagay upang matutukan. Ngunit pinatunayan ng manunulat na si Amado A. Vinuya na maaaring ipamalas ang husay sa iba’t ibang bagay.

Isinilang si Vinuya sa Maynila noong 1930 at nagtapos ng pag-aaral sa mga unibersidad rin sa lungsod na Far Eastern University (FEU) at University of Santo Tomas (UST). Sa Lungsod ng Maynila na rin siya nakapaghanapbuhay bilang dating patnugot at public information officer ng Manila Health Department.

Maliban sa trabahong ito, sumabak din si Vinuya sa iba pang larangan katulad ng pagiging announcer sa radyo, sanitary inspector, at isang laboratory technician.

Nakapaglimbag din siya ng sariling aklat ng kaniyang mga tula. Pinamagatan itong Pregnant Woman and Other Poems na inilabas noong 1968 kabilang ang paunang salita na isinulat ng isa ring tanyag na mamamahayag na si Carlos P. Romulo.

Popular Posts