Joey Ayala

Talambuhay

Likas na mahilig ang mga Pilipino sa musika. Ngunit para kay Jose Iñigo Homer Lacambra Ayala o mas kilala bilang Joey Ayala, ang musika ay higit sa tono at letra—ito rin ay lunsaran ng damdamin at adbokasiya.

Bagaman nagtapos ng AB Economics sa Ateneo de Davao, mas pinili ni Ayala na iparinig ang kaniyang musika. Binuo niya ang bandang Bagong Lumad na nagpakilala ng bagong mukha ng alternatibong musika sa bansa dahil sa paggamit niya ng mga katutubong instrumento.

Makailang ulit siyang nagwagi sa patimpalak sa pagsulat ng awit na Metropop habang binigyan naman siya ng pagkilala ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) dahil sa mga awitin niyang sumasalamin sa mayamang kultura ng Pilipinas.

Maliban sa kaniyang musika, isang manunulat din si Ayala. Nagwagi siya sa Don Carlos Palanca Memorial Awards at Philippine Free Press Annual Literary Award.

Popular Posts