Rene O. Villanueva

Talambuhay

Natatandaan pa kaya ninyo sina Pong Pagong, Kiko Matching at Kuya Bojie? Ang mga karakter na ito ay mula sa malikhaing concepto at production ni Rene O. Villanueva kasama si Feny Bautista. Pinangunahan ni Villanueva ang mga manunulat ng Batibot na isang programang pantelebisyon na naglalayon gawin kaaliw-aliw ang pagaaral ng mga batang manonood. Ngunit hindi lang sa Batibot nahasa ang kakayahan ni Villanueva. Nagsulat din siya ng mga pambatang libro na kabilang sa kanyang Aklat Batibot Serye. Ang ilan sa mga ito ay ang “Ang Prinsipeng Ayaw Maligo (Prince Who Hated Baths)”, Nagsasabi na si Patpat (Patpat Says When) at Si Inggolok At Ang Planeta Pakaskas (Inggolok and the Planet Pakaskas).

Bago pa sumabak sa larangan ng telebisyon si Villanueva ay tanyag na siyang dalubdula. Sa katunayan, ilang beses na siyang pinarangalan ng prestihiyosong Don Carlos Palanca Memorial Awards para sa kanyang mga obra kabilang ang dulang Kumbersasyon (1980), Kalantiaw (1994) at Watawat (1998). Ang kanyang mga obra ay naging daan upang manumbalik ang sining ng teatro sa tulong ng iba pang mga manunulat panteatro. Dagdag pa dito, kinilala din siya ng Gawad CCP Para sa Sining (Literature) noong 2004. Hindi matatawaran ang kanyang kontribusyon sa larangan ng teatro, pambatang panitikan at pagsusulat.

Popular Posts