Estrella Alfon

Talambuhay

Si Estrella Alfon ay ipinanganak sa Cebu noong 1917. Siya ay kilala bilang manunulat ng maikling kwento, mamahayag, at playwright. Kahit siya ay Cebuana, halos lahat ng kanyang sulat ay nasa wikang Ingles. Hindi tulad sa kapwa niyang manunulat sa panahon niya, hindi siya isang intelligentsia. Siya ay nag-aral ng kolehiyo sa kursong medicine, ngunit noong siya ay inakalang may tuberculosis dahil sa maling pagsusuri sa kanya, siya ay huminto sa pag-aaral noong nasa pre-medical education na siya at nag-aral ng sining.

Siya ang kaisa-isahang babae na miyembro ng Veronicans, isang grupo ng mga manunulat noong 1930s na pinanguhan nina Francisco Arcellana at H.R Ocampo. Noong 1974 at 1979, nakakuha siya ng gawad galing sa Palanca Awards.

Popular Posts