Dahil sa batas na ito nagkaroon ng kakayahan ang tao na makilala ang mabuti at masama. Ano ito?

Katanungan

dahil sa batas na ito nagkaroon ng kakayahan ang tao na makilala ang mabuti at masama. ano ito?

Sagot verified answer sagot

Dahil sa batas na ito nagkaroon ng kakayahan ang tao na makilala ang mabuti at masama. Ito ay ang likas na batas moral.

Ang likas na batas moral ay isang batas na nababatay sa konsensya ng bawat indibdiwal partikular na sa paghuhusga ng mga kilos na isinasagawa.

Ito ay ang batas na inihahandog sa tao mula ng siya ay malikha upang mabigyan ng pagkakataon na makibahagi sa paggawa at paglinang ng kabutihan at karunungan ng Diyos.

Gayundin, ang batas na ito ay nagbibigay din sa tao ng pagkakataon na makagawa ng bagay na maaaring maging mabuti o masama pati na rin ang mga dapat at hindi dapat gawin.