Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni Francisco Baltazar?

Katanungan Sagot

Katanungan

dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni francisco baltazar?

Sagot verified answer sagot

Bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ang naging dahilan upang isunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni Francisco Baltazar.

Ang balagtasan ay isang uri ng debate o pagtatalo na ang pagpapahayag ay idinaraan sa pamamagitan ng patulang pagpapahayag.

Ito ay nabuo noong ika-28 ng Marso taong 1924 bilang kahandaan sa pagdiriwang ng kaarawan ng tinaguriang ama ng balagtasan na si Francisco Baltazar.

Ang balagtasan ay nahahati sa apat na element. Ito ang tauhan o taga-ganap, paksa o ang pinag-uusapan, pinagkaugalian o paraan ng pagpapahayag na hindi nangangailangang idaan sa tunggalian bagkus ay sa pagpapalitan ng mga kaalaman sa paraang patula, at ang mensahe na nais ipabatid sa mga tagapakinig.