Dahilan upang piliin ang technical vocational livelihood track?

Katanungan Sagot

Katanungan

Dahilan upang piliin ang technical vocational livelihood track?

Sagot verified answer sagot

Para makapasok agad sa trabaho ang dahilan kung bakit pinipili ang Technical Vocational Livelihood Track. Ang Teknikal Bokasyonal o Technical Vocational Livelihood Track ay nagbibigay ng kasanayan sa mga mag-aaral partikular na ang kahandaan sa pagtatrabaho para sa kanilang hinaharap.

Ito ay tumutulong sa mga mag-aaral upang malinang ang kanilang kahusayan partikular na sa linya ng agrikultura at elektronika.

Ang paglinang sa kasanayan at kahusayan ng isang mag-aaral ng track na ito ay nakatutulong upang agad na makapagtrabaho sa loob man ng ating bansa o sa labas.

Ang mag-aaral ng track na ito ay maaaring makatanggap ng sertipikasyon na tinatawag na National Certificate na siyang gagamitin niya sa pagtatrabaho.