Katanungan
dalawang pangkat na dumating sa pilipinas noong unang panahon?
Sagot
Ang dalawang pangkat na dumating sa Pilipinas noong unang panahon ay ang mga Negrito at Indones.
Ang dalawang grupo ng mga tao na nakarating sa bansang Pilipinas ay ang pangkat ng mga Negrito o pigmi.
Sila ay inilarawan bilang taong maliliit na namuhay sa tulong ng pangangaso, pagtitinda, at pangingisda. Sila ay pinaniniwalaang nanirahan sa Luzon, Mindanao, at Isla ng Panay.
Ang ikalawang pangkat naman ay ang mga Indones na kung saan ang unang pangkat nila ay inilarawan bilang maputi, balingkinitan, malapad ang noo, makitid na mukha, at matangos ang ilong.
Samantala, ang ikalawang pangkat ay inilarawan bilang maitim, malapad ang mga mukha, malaking panga, makapal ang labi, may malaking ilong at katawan.