Dalawang sangay ng heograpiya

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang dalawang sangay ng heograpiya?

Sagot verified answer sagot

Dalawang sangay ng heograpiyaMayroong dalawang sangay ng pag-aaral ang heograpiya. Ang mga ito ay ang heograpiyang pisikal at ang heograpiyang pantao.

Ang heograpiyang pisikal ay nakatuon sa katangian at prosesong pisikal ng daigdig. Ito rin ay ang nagpapaliwanag ng distribusyon ng mga anyong lupa at anyong tubig ng daigdig.

Kasama rin dito ang pag-aaral ng paggalawng hangin at tubig. Sa kabilang banda naman, ang heograpiyang pantao ay sumasaklaw naman sa kung paano namumuhay ang tao sa kaniyang pisikal at kultural na kapaligiran.

Saklaw naman nito ang pag-aaral sa wika, relihiyon, ekonomiya, pamahalaan, at iba pang aspekto tulad ng distribusyon ng populasyon at kalunsuran.