Mayroong dalawang uri ang sanaysay: pormal at di pormal.
Pormal Na Sanaysay
Ang sanaysay na pormal ay mayroong seryosong tono paksa at mayroong masusi at komprehensibong pagsasalaysay ng mga katotohanan, pangyayari, at karanasan.
Gumagamit din ito ng pormal o akademikong salita. Ginagawa rin ang buong sanaysay gamit ang mga impormasyong mahahalaga at ginagamitan ng pananaliksik. Maayos din ang pagkakasunod-sunod ng ideya sa sanaysay na ito.
Di Pormal Na Sanaysay
Ang di pormal na sanaysay naman ay tumatalakay naman sa isang paksa o usaping pangkaraniwan na o mas nananaig ang opinyon o obserbasyon.
Gumagamit din ito ng mga balbal o mga salitang magagaan lamang at karaniwang hindi sumusunod sa nakasanayang paraan ng pagbibigay ng ideya at pangyayari.