Dapat bang iasa ang mga gawaing pang rehabilitasyon sa pamahalaan bakit?

Katanungan Sagot

Katanungan

dapat bang iasa ang mga gawaing pang rehabilitasyon sa pamahalaan bakit?

Sagot verified answer sagot

Ang mga gawaing pang-rehabilitasyon ay maaaring iasa sa ating pamahalaan. Ang ating pamahalaan ang namumuno at gumagabay sa sambayanang Pilipino.

Sila ang may kapangyarihan na paunlarin at gawing mas mahusay ang pamumuhay natin, kabilang na rito ang mga gawaing pang-rehabilitasyon.

Ngunit bilang mamamayan, tayo rin ay may katungkulin. Hindi lamang natin maaaring iasa ang lahat sa ating gobyerno. Dapat tayo rin ay may disiplina at responsibilidad.

Kailangan nating makipagtulungan sa pamahalaan para sa ikauunlad ng ating bansa. Halimbawa nalang ay ang rehabilitasyon ng mga kalsada. Kung nasira man ang isang kalsada ay trabaho ng pamahalaan na ipaayos ito. Ngunit ang pagiging malinis ng isang kalsada ay dapat nating panatilihin bilang mamamayan.