Dapat bang magpasalamat sa taong nakagawa sa iyo ng kabutihan?

Katanungan

dapat bang magpasalamat sa taong nakagawa sa iyo ng kabutihan?

Sagot verified answer sagot

Oo naman. Malaki ang paniniwala ko na karapat-dapat lamang na tayo ay magpasalamat sa taong nagpakita o nakagawa sa atin ng kabutihan.

Ang pasasalamat ay isang uri ng pagtanaw natin ng utang na loob para sa lahat ng kabutihan na ating tinatamasa sa mundong ibabaw na ito.

Maaaring an gating kapitbahay ay nag-abot ng pagkain sa atin isang araw, iyon ay isang kabutihan. Napakahalaga na masambit natin ang salitang “salamat” at kung maaari ay mag-abot rin tayo ng ating matutulong sa abot ng ating makakaya.

Sa pagpapakita ng ating pasasalamat ay para na rin tayong nagpakita ng paggalang at respeto sa ating kapwa.