Katanungan
dapat bang tumulong sa kapwa kahit di mo kakilala bakit ipaliwanag?
Sagot
Marapat lamang tumulong sa iba kahit hindi kakilala dahil ito ang nagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
Dahil sa pagtulong sa iba ay nagkakaroon ng tiwala ang ibang tao sayo na ibibalik din nila sa iyo o kaya sa ibang tao.
Bukod pa rito, sinasalamin nito ang iyong kaugalian kung ikaw ba ay mabait o mapagsamantala sa kapwa. Natural lamang sa mga tao na tayo ay tumutulong upang pangalagaan din ang seguridad ng kaniyang kapwa.
Maaaring makatulong din ang pagtulong sa kapwa para ikaw ay maging modela o kaya inspirasyon sa kanilang pagkilos. Ang ganitong aksyon ay kolektibong pagmamahal sa komunidad.