Dapat eksaktong mga ideya bago gawin ang isang hakbang?

Katanungan Sagot

Katanungan

dapat insaktong mga ideya bago gawin ang isang hakbang?

Sagot verified answer sagot

Pag plano at pag-ingat. Sa pagsasagawa ng isang hakbang ay kinakailangang malaman at maunawaan ang ideyang bumabalot rito upang sa ganoon ay matimbang ng isang indibidwal ang kahalagahan o maaaring maging kapahamakan ng hakbang na kanyang gagawin.

Ugaliing alamin ang buong detalye partikular sa paglutas ng isang suliranin. Marapat na timbangin ang bawat nalalamang ideya at kalapin ang mga kakulangang kaalaman ng sa gayon ay makabuo ng isang hakbang na isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat.

Ang kakulangan sa ideyang nakalap ay nagdudulot ng kapahamakan o hindi kaaya-ayang pangyayari na maaaring sa isang panig lamang o dili kaya’y sa dalawa.

Matalinong pagpapasiya at mapanuring kaisipan ang dapat taglayin ng isang tao upang makabuo ng isang makabuluhang hakbang.