Dating datu o pinuno ng barangay?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

dating datu o pinuno ng barangay?

Sagot verified answer sagot

Cabeza de barangay ang tawag sa mga pinuno ng barangay o mga datu lalo na noong kapanahunan ng pananakop ng mga Espanyol sa ating bansang Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang mga cabeza de barangay ay tinatawag na bilang mga kapitan ng barangay.

Ang tungkulin ng mga cabeza de barangay noon at mga kapitan ngayon ay halos walang pagkakaiba. Sila ang nangangasiwa sa barangay na kanilang sinasakupan.

Sila ay inihahalal ng kanilang mga mamamayan sa pwesto. Tungkulin nilang magpatupad ng mga programa at alintuntunin na ikauunlad ng kanilang barangay. Sila rin ang may kakayahan na lumutas sa mga suliranin o away na pambarangay.