Kuwento ito ng isang tipikal na inang si Amanda Bartolome na nabago ng magulo at mapangahas na mundong pinasok ng kaniyang mga anak. May lima siyang anak na lalaki na sina Jules, Gani, Em, Jason, at Bingo.
Ang panganay niyang si Jules ay liberal ang pananaw sa buhay at naging komunista. Ginawa niyang umanib sa samahang tumutuligsa sa pamahalaan upang bigyan nang maayos na buhay ang kaniyang anak na si Mara.
Ang ikalawa naman ay si Gani na sa murang edad ay bumuo ng pamilya at agad na nahiwalay. Pinili nitong manirahan sa ibang bayan. Ikatlo namang anak niya si Em na pinakamatalas ang isip sa kaniyang mga anak.
Tulad ng kaniyang kuya ay mulat din sa katotohanan ng Martial Law at kaguluhan sa paligid itong si Em. Napasama rin siya sa isang pahayagang sumasalungat sa Batas Militar.
Si Jason naman ang pinakamalambing na anak ngunit isang araw ay natagpuan na lamang na pinagpapaslang at mayroong 17 saksak sa katawan at nakita sa basurahan.
Si Bingo naman ang bunsong bagaman namulat sa kaguluhan ng pamilya ay nakatapos naman ng kolehiyo.
Bilang ina ay hindi maiwasan ni Amanda na mag-alala at malungkot sa sinapit ng pamilya niya. Laging nababagabag si Amanda sa maaari nilang sapitin lalo pa’t hindi pa rin natatapos ang kaguluhan sa panahon ng Martial Law.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Dekada 70. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!