Katanungan
Dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya. Paki-explain naman po plzzz
Sagot 
Ang dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya ay ang makroekonomiks (macroeconomics). Mula ito sa dalawang salitang English na “macro” at “economics.”
Ang kahulugan ng “macro” ay malaki kaya naman ang literal na kahulugan nito ay ang mas malaking sangay ng ekonomiya.
Sa madaling sabi, ito ay ang sangay na nakatuon sa pagbibigay katuparan ng malalaking plano ng bansa upang mapaunlad kabilang ang pagpapalago ng mga negosyo at pagpapatayo ng mga istruktura.
Ilan sa mga pinag-aaralan dito ay ang kabuuang taas o baba ng presyo, antas ng mga trabaho o empleyo na mayroon ang isang bansa, gross national product (GNP), at ang pangkalahatang obligasyon o bayarin ng isang bansa.