Diyos ng propesiya liwanag araw musika at panulaan

Katanungan Sagot

0

Katanungan

Sino ang diyos ng propesiya liwanag araw musika at panulaan?

Sagot verified answer sagot

Diyos ng propesiya liwanag araw musika at panulaanAng diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, at panulaan ay si Apollo. Siya ay diyos na anak nina Leto at Zeus.

Kakambal din siya ng isa pang diyos na si Artemis. Ang simbolo niya ang pana, uwak, at ang instrumenting lyre. Isa rin sa sinasabing Twelve Olympians.

Ang pangalan niyang Apollo ay hindi matukoy kung saan nagmula ngunit may mga nagsasabing ang ibig sabihin daw nito ay ang maninira sa wikang Greek.

Nagkaroon din si Apollo, na isang diyos na nakatira sa Mount Olympus, ng apat na anak na kinabibilangan nina Asclepius, Troilus, Aristaeus, at Orpheus. Ang mga sagradong halaman naman ni Apollo ay ang Laurel, Larkspur, at Cypress.