Katanungan
dumating sa pilipinas mula sa kalupaang asya?
Sagot
Ang mga pangkat na dumating sa Pilipinas mula sa kalupaang Asya ay ang mga pangkat ng Negrito, Indones, at Malay.
Ipinagpapalagay mula sa kasaysayan ng mga sinaunang tao sa bansang Pilipinas, bago pa man ang pananakop ng iba’t ibang dayuhan mayroon ng ugnayan sa pagitan ng mga Pilipino at Intsik kung saan ito ay nag-ugat sa sistema ng pakikipagpalitan ng produkto sa isa’t isa.
Dahil sa ugnayan sa pagitan ng pakikipag-kalakalan nagkaroon ng mga pag-iisang dibdib mula sa mga Intsik at Pilipino na itinututing na mga una ring nanirahan sa bansa.
Subalit bukod sa kanila, ang mga kinikilalang mula sa Asya ay ang mga Negrito na mula sa Timog-Silangang Asya, Indones na namalagi sa Luzon, at Malay na mula sa etnikong Awstronesyo.