Katanungan
elemento ng sanaysay na batay sa pagkakasunod sunod ng ideya o pangyayari?
Sagot 
Ang elemento ng sanaysay na tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay ang anyo at istruktura. Ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap na nakakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa.
Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o mga pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay. Mahalaga ring masunod ang anyo at istruktura ng sanaysay upang maging gabay na rin sa mismong sumusulat nito.
Kung ang isang manunulat ay hindi kayang iorganisa o iayos ang kaniyang isinusulat, paniguradong hindi rin magiging magatagumpay ang kaniyang pagpapahayag ng damdamin o idyea at impormasyon sa kaniyang mga mambabasa.