Kilala rin bilang F. Sonil José, kinikilala bilang isang tanglaw ng panitikang Pilipino si Francisco Sonil José. Tubong Rosales, Pangasinan si José at isinilang noong Disyembre 3, 1924.
Bilang manunulat, nakilala siya sa kaniyang mga nobela, maikling kuwento, at mga sulatin sa ilang pahayagan. Karaniwang ginagawang inspirasyon ni José ang kaniyang mga alaala ng kabataan sa lalawigan na patok naman sa mga Pilipino.
Tumatak sa mga mambabasa ang kaniyang akdang The Rosales Saga, serye ng limang nobela na tumatalakay sa sandaang taon ng kasaysayan ng Pilipinas. Nang simulan ni José ang kaniyang pagsusulat noong 1949, nakapaglimbag na siya ng higit sa 35 aklat, habang 20 naman sa mga ito ay naisalin sa ibang wika at nalimbag sa ibang bahagi ng mundo.
Kinilala si José ng Ramon Magsaysay Awards at nagkamit ng parangal para sa larangan ng journalism, literature, and creative arts noong 1980. Itinanghal din siyang Pambansang Alagad ng Sining noong 2001. Nasungkit din niya ang Pablo Neruda Centennial Award noong 2004 at Officer in the French Order of Arts and Letters noong 2014.
Dahil sa pagmamahal sa pagsulat, binuksan nila ng kaniyang asawang si Teresita ang Solidaridad Bookshop and Publishing House. Kasunod nito ay inilunsad rin nila ang Solidarity Magazine.
Noong 2018 naman, bumalik sa pagsusulat sa pahayagan si José. Kolumnista siya sa Philippine Star sa kaniyang column na “Hindsight.”