Gaano kahalaga ang pagiging bukas ang isip sa mga ideya o suhestiyon na iyong natatanggap bawat araw?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

gaano kahalaga ang pagiging bukas ang isip sa mga ideya o suhestiyon na iyong natatanggap bawat araw?

Sagot verified answer sagot

Mahalaga ang pagiging bukas ang isip sa mga ideya o suhestiyon na aking natatanggap bawat araw sapagkat nakatutulong ito na maunawaan at matanggap ko ang opinyon ng iba.

Ang pagiging bukas ng isipan ng isang indibidwal ang nagbibigay kakayahan upang sa gayon ay mapakinggan at maunawaan ang tao ang panig, opinyon, o saloobin ng iba ito man ay naaayon o taliwas sa kanyang paniniwala.

Kung kaya naman ang pagiging bukas ng isipan ay isang kakayahang dapat taglayin ng mga indibidwal upang makapagbigay kaunawaan sa iba at maiwasan ang pagkakaroon ng alitan o di pagkakaunawaan dahil sa pagkakaiba ng tindig hinggil sa isang bagay.