Gaano kahalaga ang papel ng mamamayan sa ating lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Gaano kahalaga ang papel ng mamamayan sa ating lipunan?

Sagot verified answer sagot

Bagaman ang isang lipunan ay mayroong mga pinuno at pamahalaan, hindi maikakaila na nasa mga mamamayan pa rin ang pinakamalaking responsibilidad upang mapanatili ang kaayusan at kaunlaran ng isang bansa.

Mas malaking bahagdan ng mga populasyon ang mga mamamayan na sabay-sabay kumikilos upang manatili ang maraming industriya.

Kung umaandar ang mga industriya ay maraming pinagkukuhanan ng kabuhayan ang maraming tao na nagdudulot naman ng magandang ekonomiya.

Sa mga mamamayan din nagsisimula ang malaking pagbabago ng isang lugar. Kung sama-sama ang pagkilos nila at pagsuporta sa isang uri ng panukala, tiyak ang kaayusan at katahimikan ng isang bansa.

Nasa mamamayan din ang responsibilidad na pumili ng mga susunod na lider ng bansa kaya naman mahalaga sila sa pagbuo ng isang matatag na lipunan.