Judaismo

« Back to Glossary Page
Synonyms:
Judaism

Ang Judaismo ang tinatayang pinakamatandang relihiyong monoteismo na nakilala sa mundo na kung saan ang kinikilalang diyos ng mga nananampalataya rito ay nag-iisa lamang.

Ang Star of David naman ang tinaguriang simbolo ng paniniwalang ito. Ang kinilala sa kasaysayan bilang tagapagtatag ng Judaismo ay si Abraham na unang nakilala sa bansang Israel.

Tinatayang ang bilang ng mga tagasunod o naniniwala rito ay nasa 13 milyon na mahigit. Sa kasaysayan, ang Judaismo ay naisilang dahil sa kasunduang nabuo sa pagitan nina Abraham at ng kanilang diyos na kinikilala na si Yaweh.

Ang mga turo nito partikular na ang pagiging monoteismo ay ang siyang nagbigay inspirasyon at naging batayan ng pagkakabuo ng paniniwala ng mga relihiyong Islam at Kristiyanismo.

Ang aklat na basehan ng kanilang mga paniniwala ay ang Torah na nagtataglay ng aklat ni Moses na may bilang na lima.

Ang aklat na ito ay binubuo ng Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, at ng Deuteronomy. Ang paniniwalang ito ay kinapapalooban din ng sampung utos na kung saan ang isang indibidwal ay lumabag o sumuway sa mga kautusang ito siya ay nararapat na patawan ng kaparusahan. Taliwas sa paniniwala ng mga Jew sa kasalukuyang panahon ang pagiging tagapagligtas ng anak ng Diyos na si Hesus Kristo.