Katipunan

« Back to Glossary Page
Synonyms:
KKK

Ang Kataastaasang, Kagalanggalangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan ay ang rebolusyonaryong grupo na itinatag noon upang maglunsad ng rebolusyon laban sa pananamantala at pananakop ng mga Kastila.

Itinatag ito upang makamit ang tunay na kalayaan sa mga mananakop sa pamamagitan ng pagre-rebolusyon. Ito ay isang organisasyon pailalim na itinatag nina Teodoro Plata, Ladislao Diwa, at Andres Bonifacio.

Naging inspirasyon ni Bonifacio ang mga sulatin ni Rizal kaya sila ay bumuo ng organisasyon upang maghimagsik laban sa pang-aapi ng mga banyaga.

Mayroon din pahayagan dati ang Katipunan na nagngangalang “Kalayaan”. Pailalim ang Katipunan dahil tutugisin sila ng mga Espanyol kung magkataon na makita sila.