Ang Kristiyanismo ay isang paniniwala na kung saan ang mga turo nito ay nakabatay sa naging buhay at turo ng kinikilalang diyos ng mga kristiyano na si Kristo.
Ayon sa kasaysayan, ang relihiyong ito ang tinatayang may pinakamalaking bilang ng mga nananampalataya sa buong mundo.
Ayon sa kanilang paniniwala, upang mailigtas ang sanlibutan mula sa kanilang mga pagkakasala, si Kristo ay ipinadala sa mundo.
Ito ay isang uri ng paniniwala na kung saan ito ay hinango sa kaisipan ng Judaismo. Mula diumano ito sa lumang tipan na sa kalaunan ay unti-unting nakilala ang mga aral ni Moses na kinikilala bilang isang manunubos na mesiyas.
Nakapaloob sa relihiyong ito ang paniniwala tungkol sa San-tisima na kung saan itinuturo nito na ang sanlibutan ay mayroong nag-iisang Diyos, ama, anak, at ang Espiritu Santo na sa ingles ay kilala bilang Holy Trinity.
Ang kristiyanismo ay kinapapalooban ng dalawang klase ng paniniwala: una, ang anak ng Diyos ay kinilala bilang si Hesus Kristo; at ang ikalawa naman ay si Hesus Kristo ay mawawalan ng buhay subalit sa pagdating ng panahon siya ay muling mabubuhay upang tubusin ang mga tao sa kanilang pagiging makasalanan. Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng relihiyong ito ay ang Papa (Pope) na nananahan sa Roma.