Neolitiko

« Back to Glossary Page
Synonyms:
Panahon ng Bagong Bato

Ito ay tumutukoy noong panahon ng makabagong bato o “New Stone Age”. Ang panahon ng makabagong bato ay kung saan nagsimula ang pag-aalaga sa mga hayop at rebolusyong agrikultural upang mabuhay ang mga sinaunang tao.

Gumamit din sila noon ng mga bato na mas pulido kaysa noon para sa kanilang mga kagamitan. Dito rin umusbong ang mas maalam na pag gamit ng apoy at pagpapalayok, at pag gawa ng templo para sa kanilang relihiyon.

Ang salitang Neolitiko ay nagmula sa salita na “neos” na nangangahulugang “bago”, habang ang “litiko” naman ay mula sa salitang “lithos” na ibig sabihin ay “bato”.