Ang Suez Canal ay ang artipisyal na daungan ng tubig noon na nagbukas ng iba’t ibang kalakalan mula sa mga karatig-bansa at nakapagpayabong ng pangangalakal ng iba’t ibang espesya at produkto.
Binuksan ang canal at naging daan upang mamulat ang mga Pilipino at kung paano makipagkalakalan sa mga banyaga. Ito rin ang nagdudugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea mula sa Ehipto kaya naging daungan din ito ng mga barko para sa transportasyon.
Sa pamamagitan ng Suez Canal ay samu’t saring kaisipan ang lumaganap sa Pilipinas tulad ng liberal na kaisipan at rebolusyonaryo. Kahit na bawal ito ay nakatulong ito sa pagmulat sa mga Pilipino.