Goyo Ang Batang Heneral (Buod)

Tungkol ang pelikulang ito sa buhay at pakikipagsapalaran ng batang heneral na si Gregorio del Pilar o Goyo.

Dahil sa pagiging tapat sa unang pangulo ng Pilipinas na si Heneral Emilio Aguinaldo, naging madali ang pag-angat ng ranggo ni Goyo, at dahil na rin sa kaniyang angking husay bilang isang sundalo ng Pilipinas.

Ngunit dahil sa kaniyang murang edad, kahit isa nang opisyal, ay madalas pa ring maging mapaglaro si Goyo lalo na sa mga kababaihan.

Nang mabigo ang puwersa ng sandatahan ng Pilipinas sa pakikidigma sa mga Amerikano, napilitang magtago ang mga nasa pamahalaan kabilang si Pangulong Aguinaldo sa malayong kabundukan ng Cordillera. Kalaunan ay nahuli rin ang ina at anak ni Aguinaldo.

Upang matulungang makatakas ang pangulong Aguinaldo, inumpisahan ni Goyo at ng tirador na si Lieutenant Garcia na paulanan ang bala ang mga Amerikano sa Tirad Pass.

Dahil sa kanilang unang tagumpay at napaurong ang mga Amerikano, naging kampante sina Goyo na napaurong na nga nila ang mga banyaga.

Ngunit ang hindi nila alam, sa tulong ng isang Pinoy, nakapagturo ito ng ibang daan upang maakyat ang Tirad Pass nang hindi nalalaman nina Goyo.

Nang matagumpay na makarating ang mga Amerikano sa bundok, napatay nila ang puwersa ng mga Pilipino kabilang si Goyo. Nahuli rin si Aguinaldo at naging hudyat ng pagtatapos ng digmaan noon.

Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Goyo Ang Batang Heneral. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!