Katanungan
Gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa mga paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino
Sagot 
Ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga mananakop ay isa nang kamangha-manghang uri ng pamumuhay.
Simple lamang ang kanilang tahanan na yari sa kahoy ang kabuuan habang ang bubong naman ay yari sa pawid mula sa mga dahon.
Nakabatay din ang pamumuhay nila, lalo na ang pagkuha ng kakainin sa araw-araw sa kanilang kalikasan. Dahil masagana ang kalikasan ng Pilipinas, hindi naging mahirap para sa kanila ang paghahanap ng pagkain.
Natuto rin ang mga sinaunang Pilipino na makipagpalitan ng produkto sa kanilang kapuwa upang mas matugunan ang kanilang pangangailangan, kabilang ang pakikipagkalakalan sa mga dayuhan.