Gusto Ko Sana Maging Pulis

Ang maging isang pulis ay akin tiyak na ninanais. Mula pa sa pag-alis ng aking tatay habang ako ay nagwawalis, alam ko na noon na talaga ngang ang pulis ay magaling tumugis. Maraming mga taong kung makapagsalita sa mga pulis ay parang hindi tao ang kausap nila. Sinasabi nila na ang pulis daw ay mababa pa sa uod. Mga siraulong binigyan ng sandata para kumitil ng buhay at hindi din daw sila magaling sa Math. At sila daw ay medyo marupok ang pagiisip. Pero sa tingin ko hindi naman? Ang bait nga ng kapitbahay namin na pulis eh. Lagi siya nagdadala ng tinapay sa bahay namin tuwing umaga. Habang si tatay ay nasa trabaho, pumupunta siya sa bahay namin at naguusap sila ni mama, kadalasan ay dun sila sa kwarto. Pero bago sila pumasok sa kwarto, nilalakasan nila yung tv sa sala. Sabi ni mama ay tinuturuan nya lang daw sumaya si kapitbahay. Kami naman ay naniniwala.

Ang problema kasi sa ibang tao eh mayabang. Kala mo kung sino kung humusga sa mga tao. Bakit pag nagkagulo sa mamihan sino ba ang aawat? Sila ba? Hindi diba? Sasabihin mo na yung mga tanod ang bahala, eh sila yung napaaway eh. Siyempre diba sila mamang pulis ang mag-sasabing “tumigil na kayo?!”.

Ang mga pulis sa ating bansa ay hindi basta-bastang binibigyan ng chapa. Dumadaan sila sa matinding test. Meron nga dun 5 years na hindi padin tapos sa training niya. Talagang piling-pili lang. Lalo na ngayon? Wow. Sinasabi ko sayo hindi talaga biro.

Hindi mawawala ang masasamang tao. At hangga’t hindi sila nawawala, palaging mayroong lugar si mamang pulis sa ating buhay. Laging handa na isakripisyo ang kanilang buhay para sa ordinaryong mamamayan na inaapi at kinakawawa. Sana tayo ay magbigay pugay sa mamang pulis na matapang, malusog at masayahin.

Kayo? Ano ang inyong opinyon tungkol sausapang ito? Sana ay ipamahagi din ninyo sa amin dahil gusto namin itong malaman.