Halimbawa ng dagli tungkol sa sariling karanasan?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

halimbawa ng dagli tungkol sa sariling karanasan?

Sagot verified answer sagot

Ang mababasa rito ay isang halimbawa ng dagli tungkol sa sariling karanasan.

Binuksan ko ang mata ko at napansin na ako ay nakahiga sa damuhan. Ako ba ay nakatulog rito? Tinignan ko ang kalawakan. Ginabi nanaman ako.

Bilog na bilog ang buwan at ang mga bitwin ay kumikinang-kinang. Malambot ang aking higaan, ramdam ko na basa ito.

Ako ba ay naulanan? Bakit parang ang bigat ng katawan ko? Papagalitan nanaman ako ni inay. Nagpaulan ako. Hindi nanaman ako nag-iingat.

Biglang sumakit ang ulo ko, napapikit tuloy ako ng mga mata. Pagbukas ko ulit sa kanila ay nababalot nan g kulay pula at asul ang kalangitan. Ano itong tunog ambulansya?