Halimbawa ng mga gawaing pansibiko sa bansa

Katanungan Sagot

Katanungan

Tanong lang po para sa assignment namin sa Sibika. Magbigay ng mga halimbawa ng mga gawaing pansibiko sa bansa. SALAMAT! ^_^

Sagot verified answer sagot

Sinasabing ang mga gawaing pansibiko ay ang mga gawaing lubhang makapagbibigay ng positibong epekto sa isang bansa at makapagpapaayos ng takbo ng lipunan. Mayroon din tayong responsibilidad bilang mamamayan na gumawa ng mga hakbang para mapaunlad ang ating bansa.

Ilan sa mga gawaing ito ay ang pagtatanim ng mga puro para sa patuloy na pagyabong ng ating mga likas na yaman. Isa ring malaking gawaing pansibiko ang pagkakaroon ng mga cleanup missions sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Makatutulong din ang pagsali sa mga organisasyong mayroong mabuting layunin para sa bansa at mga kapuwa katulad ng mga nagsasagawa ng medical mission, relief operations, at pagbibigay ng ayuda sa iba.