Halimbawa ng mga kaugaliang Pilipino?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

halimbawa ng mga kaugaliang pilipino?

Sagot verified answer sagot

Ang mga halimbawa ng mga kaugaliang Pilipino ay pagmamano, bayanihan, paghaharana, pamamanhikan, at simbang gabi.

Ang mga Pilipino ay may iba’t ibang natatanging kaugalian katulad ng pagmamano na naging kaugalian na ng mga Pilipinong gawin sa tuwing uuwi o aalis ng bahay, may darating na kamag-anak o kakilala na isang tanda ng pagpapakita ng paggalang sa mga ito; ang bayanihan naman ay ang pagtutulungan ng mga mamamayan sa isang komunidad ng walang kahit na anong kapalit na nagpapatibay ng isang masayang samahan; ang paghaharana ay isang kaugalian na nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamahal sa isang indibidwal na hinahangaan; ang pamamanhikan ay isinasagawa sa pagitan ng dalawang tao na napaghandaan na ang pag-iisang dibdib.

Kabilang sag awing ito ang pagkakasundo at pag-uusap ng bawat pamilya; at ang simbang gabi na patok sa mga Pilipino tuwing kapaskuhan bilang tanda ng pasasalamat sa maykapal gayundin ang paniniwalang mahandugan ng isang biyaya kung mabubuo ang siyam na gabi.