Halimbawa ng pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

halimbawa ng pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan?

Sagot verified answer sagot

Maraming papel o gampanin ang maaari nating tanggapin o gawin sa lipunan na ating ginagalawan. Maaari tayong sumali o maging aktibo sa pakikilahok sa mga gawain sa ating barangay.

Maaari din nating alamin ang pwede nating maging tungkulin sa ating lokal na barangay. Bukod sa pagsali sa mga proyektong ipatutupad sa ating nasasakupang lugar ay maaari din nating maging papel ang pagtulong sa kapwa o kaibigan.

Sa ganitong paraan ay magiging mabuting halimbawa o imahe tayo sa iba. Makatutulong din tayo kung pagbubutihin natin ang ating pag aral, kung tayo ay magiging mabuting anak at magiging masunuring mamamayan.

Ito ay ang ilan sa mga halimbawa ng pagtanggap ng papel o gampanin na maaari nating gawin o iambag sa lipunan na ating kinabibilangan.