Katanungan
Magbigay po ng halimbawa ng pananaliksik tungkol sa edukasyon.. Sana ay mayroong magandang loob na makatulong sa akin. Hirap kasi gumawa eh. Salamat! 🙂
Sagot
Paggamit ng Mother Tongue sa Pagtuturo
Introduksiyon:
Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay nag-umpisa sa sistemang bilingguwal o dalawang wika lamang. Noon, nakatuon sa English at Filipino lamang ang wikang ginagamit sa pagtuturo at paglilimbag ng mga materyales.
Ngunit nang ipatupad ang K-12 curriculum, ginamit na rin ang mother tongue – based multilingual education (MTB- MLE).
Paglalahad ng Suliranin:
Ang pag-aaral na ito o saliksik na ito ay tungkol sa pag-alam ng pagiging epektibo ng mother tongue sa pagtuturo sa mga paaralan.
Mga Nakalap na Datos/ Interpretasyon ng Pag-aaral:
Ayon sa ilang pag-aaral na ginawa ng Department of Education (DepEd), napag-alaman nilang ang paggamit ng mother tongue sa mga paaralan ay mas nagbukas ng isang maayos na sistema para sa mga mag-aaral na malaman at matutuhan ang mga aralin.
Dahil nasa isang wika itong kabisado nila at pamilyar sila, hindi katulad ng Filipino at English lang, mas nauunawaan ng mga mag-aaral ang sinasabi ng guro at kung tungkol saan ba ang aralin.
Iyon lamang, para sa mga guro, sinasabing dagdag ang mother tongue sa kanilang gawain dahil may mga materyales na kailangan pa nilang isalin.
Kongklusyon:
Mismong DepEd na ang nagsabi na malaking tulong mother tongue sa pag-aaral ng mga bata dahil sa pamilyar na wikang ginagamit sa mga talakayan sa klase.