Katanungan
hanggang kailan dapat ipaglaban ang pag-ibig?
Sagot
Ang pag-ibig ay dapat ipaglaban hanggang ang pagmamahalang ito ay tiyak na nakapagdudulot sa dalawang tao ng mabuti.
Ang pag-ibig ay isang emosyong nararamdaman ng dalawang hindi magkaugnay na indibidwal subalit pinagbuklod ng nararamdaman.
Ang pag-usbong ng pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tao ay hindi palagiang nabibigyan ng suporta ng bawat pamilya ng mga kasangkot na indibidwal kung kaya humahantong sa paglaban ng pag-ibig sa kabila ng mga hamong kinakaharap.
Ang paninindigan ng dalawang taong ito ay marapat na tumagal hanggang sa ang mabuti o nakabubuti sa kanila ay nakakamtan sa paraang napauunlad at napalalaim nito ang kanilang katauhan o kaunawaan.