Katanungan
Sino ang hari ng karagatan at lindol?
Sagot 
Ang hari ng karagatan at lindol ayon sa mitolohiya ay si Poseidon. Siya ay mayroong kapangyarihang magmanipula ng alon, bagyo, at lindol.
Siya rin ang sinasabing diyos ng karagatan. Ang mga simbolo ni Poseidon ay ang piruya o trident. Ang trident ay isang sandata na halos hawig sa tinidor na napakalaki ng sukat at haba.
Sinasabing si Poseidon ay isa sa mga magagalitin at sugapa o makasariling diyos ng Olympian. Kilala rin siya bilang isang mapaghiganting diyos lalo na kung ang kapuwa niya ay gumawa sa kaniya ng masama. Si Poseidon ay anak ng mga diyos ding sina Cronus at Rhea.