Hawak ng gobernador heneral na siyang nagpapatupad ng batas mula Espanya?

Katanungan Sagot

12

Katanungan

hawak ng gobernador heneral na siyang nagpapatupad ng batas mula espanya?

Sagot verified answer sagot

Noong kapanahunan ng kolonyalismo ng bansang Espanya sa ating bansang Pilipinas ay walang tinatawag na tagapagbatas o lehislatibo, na mayroon na tayo ngayon sa ating sariling pamahalaan.

Ang mga batas at kautusan sa atin noon ay nanggagaling pa sa Espanya. Ito ay pinapangasiwaan ng gobernador-heneral. Hawak ng gobernador-heneral ang tinatawag na Royal Audencia.

Isa sa mga tungkulin ay ang magpatupad ng mga batas at alituntunin na susundin ng mga mamamayang Pilipino. Taon-taon ay nagpapadala ng ulat ang gobernador-heneral sa hari ng Espanya tungkol sa kalagayan ng ating bansa. Sa ilalim rin ng gobernador-heneral nangongolekta ng buwis na pinapataw sa mga Pilipino.