Hele Ng Ina Sa Kanyang Panganay (Buod)

Ang tulang ito ay mula sa tulang A Song of a Mother to Her Firstborn na isinalin ni Mary Grace A. Tabora. Mababatid sa tulang ito ang magkakaibang damdami ng isang ina, kasabay ng walang kapantay niyang kaligayahan, sa pagsilang ng kaniyang unang anak.

Ayon sa ina, nais niyang makita ang anak sa kaniyang paglaki na maging isang mandirigma upang matuwa ang ama nito.

Ang anak niya raw ay magiging isang mahusay na pinuno sa hinaharap. Ngunit kahit ano pa raw ang marating nito ay hindi pa rin niya malilimot ang mga panahong musmos pa ito.

Iniisip din ng ina ang magiging buhay ng kaniyang anak sa hinaharap. Kung ano ang magiging pagtanggap ng mundo sa mga katangian nito na hindi pa niya batid sa kasalukuyan. Ayaw niya raw na mayroong masamang masasabi sa anak.

Kaligayahan ng isang ina na magsilang ng anak. Ngunit inilahad sa tula na yumao na pala ang asawa ng ina na tumutula sa kaniyang panganay.

Sabi nitong ina sa kaniyang anak, katulad ng pagmamahal na ibinigay ng kaniyang asawa noong nabubuhay pa, ganitong pagmamahal din ang ibibigay niya sa kaniyang anak. Sinabi rin nito na hindi nila malilimot ang ama at habambuhay na gugunitain ito kahit nahihimlay na.

Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Hele Ng Ina Sa Kanyang Panganay. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!