Heograpiya ng Mesopotamia

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang heograpiya ng Mesopotamia?

Sagot verified answer sagot

Heograpiya ng MesopotamiaAng heograpiya ng Mesopotamia ay isang mahalagang heograpiyang pinag-aralan sa kasaysayan ng mundo.

Sinasabing walang likas na hangganan ang sakop ng Mesopotamia kaya naman napakahirap daw na ipagtanggol ang lupaing ito sa iba pang mga lugar na gustong sumakop dito.

Dahil dito, nagkaroon na ang Mesopotamia ng impluwensiya ng ibang karatig lugar dahil na rin sa nangyayaring kalakalan.

Noong 5500 BCE, daan-daang maliliit na pamayanangh sakahan ang matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-uugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan.

Maliban sa mga kapatagan, naging malaking salik din ang pagkakaroon ng dalawang ilog upang maging mataba ang lupain sa bansa. Ito ay ang mga ilog Tigris at Euphrates.