Ito ay isang kuwentong isinulat ni Manny Ledesma tungkol sa realidad ng buhay na hinaharap ng mga kabataan ngayon. Ayon sa kaniya, wala naman talagang bata ang pinangarap na makulong sa hinaharap.
Gayunman, dumarating ang punto sa buhay ng mga kabataan na hindi na nila napipigil ang iba’t ibang tukso na kabilang sa proseso ng kanilang pagbibinata at pagdadalaga.
Isa raw sa pinakamalaking aspekto at dahilan kung bakit mayroong mga kabataang naliligaw ng landas ay ang kanilang mga kaibigan. Sulsol ng kaibigan ang madalas na dahilan sa pagtikim ng masasamang bisyo.
Dahil mahirap ang humindi sa ganitong edad, hindi nila natatanggihan ang mga kaibigan kaya napatitikim sila ng bisyo. Hindi kasi katanggap-tanggap para sa maraming kabataan ang hindi maging kabilang sa ginagawa ng ibang kaibigan.
Ngunit mayroon din namang mga uri ng kaibigan na nagbibigay ng magagandang payo sa buhay. Sabi nga sa kuwento, kahit daw ikaw pa ang pinakamaayos na estudyante sa iyong panahon, kung pipiliin mo namang tahakin ang madilim na landas ng bisyo, partikular ang bawal na gamot, ay maaari pa ring maging miserable ang iyong buhay pagdating ng panahon.
Kaya naman ngayon pa lamang ay dapat nang iwasan ang masamang barkada upang hindi mahatak sa bisyo at hindi maging adik.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Hindi Ako Magiging Adik. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!